-- Advertisements --

Nanawagan si National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na sumuko na sa mga otoridad.

Sinabi ni Santiago na marapat na magpakita na ito para mapatunayan na malinis ang kaniyang pagkatao.

Wala aniya pa naman ito ng kaso na kinakaharap kaya handa nila itong tulungan para magtungo sa Senado.

Magugunitang inatasan ng senado ang mga otoridad na tukuyin ang kinaroroonan ng alkalde matapos na hindi na ito nagpakita sa pagdinig na may kaugnayan sa iligal na operasyon ng Philippine offshore Gaming operator (POGO).