-- Advertisements --

Nanindigan ang National Bureau of Investigation na iisa ang pagkatao ni Mayor Alice Guo at Guo Hua Ping.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, na ang bawat indibidwal ay may unique o kakaibang fingerprint na hindi maaring mapeke ito.

Mula ng humingi ng tulong ng Senado sa kanila ukol sa malalim na imbestigasyon kay Guo ay agad nila itong tinugunan.

Handa rin aniya silang magbigay pa ng ibang mga kakailanganin sa imbestigasyon laban sa mga iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).