Nanindigan ang pamunuan ng National Bureau of Investigation na maaari sanang nabago ang kanilang rekomendasyon na kasuhan si VP Sara Duterte sa Department of Justice kung nakipag tulungan sana ito sa isinagawang imbestigasyon.
Ito ay may kinalaman pa rin sa naging imbestigasyon ng National Bureau of Investigation sa naging pagbabanta ng Bise sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., FL Liza Araneta Marcos at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Ito ang naging nilalaman at pahayag ni NBI Director Jaime Santiago sa kanyang naging rekomendasyon sa Justice Department.
Dito ay kinasuhan ng NBI ang bise ng Grave Threat at Inciting to Sedition kung saan ay ibinase ito sa naging online press conference ng bise.
Kumuha rin ang ahensya ng iba pang mga pagbabatayan partikular na ang mga lumahok sa naturang online press conference.
Kumpyansa naman ang National Bureau of Investigation na tatayo ang kanilang reklamo laban sa Pangalawang Pangulo kapag naihain na ito sa korte.
Aabot sa limang abogado kasama si NBI Director Jaime Santiago na dating hukom ang nag-aral sa reklamong inihain laban sa bise.