Natapos na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon kaugnay ng banta ni vice president sara duterte na ipapapatay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos at Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay Department of Justice National Prosecution Service Prosecutor General Richard Fadullon na nagpadala na sila ng prosecutors upang pag-aralan ang mga ebidensyang hawak ng NBI.
Sinabi ni Fadullon naka-depende umano sa resulta kung maglalabas sila ng rekomendasyong maghain ng reklamo sa DOJ, o kung ibabalik muna ito sa NBI para sa pagpapatibay pa ng kaso o case buildup.
Ayon naman kay DOJ Undersecretary Raul Vasquez sa oras na matapos ang evaluation, dito malalaman kung dapat itong i-angat sa preliminary investigation.
Kung maalala, hindi sumipot si VP Sara sa NBI ng ito ay imbitahan.