-- Advertisements --

Iginiit ng National Bureau of Investigation na walang duda ang pagkakatugma ng fingerprint ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at Chinese passport holder na si Guo Hua Ping.

Ayon kay NBI Head of Dactyloscopy Dr. Alfredo Kahanding, lahat ng mga resulta ng fingerprint analysis ay tinatanggap sa lahat ng korte bilang matibay na bayarin.

Paliwanag ng opisyal, unique ang bawat fingerprint ng kada tao kaya’t makatitiyak sila na accurate ang resulta nito.

Kaugnay nito ay tiniyak ng NBI na patuloy nilang hinahanap ang kapangalan ng kapatid ni Guo na si Sheila Guo na napaulat na nag apply ng NBI Clearance.

Batay aniya sa datos ng NBI , ang parehong alice Guo at Sheila Guo ay may address na Kalantiaw Street, QC

Ngunit ng bisitahin ito ng NBI ay walang Alice at Sheila go ang nakatira sa lugar.

Siniguro naman ng ahensya na patuloy ang kanilang pangangalap ng impormasyon para matunton ang mga nabanggit na personalidad.