-- Advertisements --
image 371

Inirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasampa ng kaso sa justice department laban sa 20 pang opisyal at miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity dahil sa paglabag sa Anti-Hazing Law sa pagkamatay ng Adamson student na si John Matthew Salilig.

Tatlong fratmen ang inirekomenda na maging star witness para sa pagbibigay ng impormasyon sa panahon ng imbestigasyon, kabilang ang 250-page screen grabs ng group chat ng fraternity.

Sinabi ng National Bureau of Investigation na kinilala nito ang mga fratmen na sangkot sa pagpaplano ng initiation, at ang mga sangkot sa paglipat ng kanyang bangkay sa isang bakanteng lote sa Cavite, kung saan siya inilibing at natagpuan.

Dinala rin sa justice department ang limang persons of interest na sumuko sa NBI, kabilang ang isang alyas na “Biggie,” na iginiit na imbitado lamang siyang bisita sa welcoming rites.

Kung matatandaan, noong Miyerkules, nakakita ang mga tagausig ng gobyerno ng probable cause upang kasuhan ang 7 miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOJ na ang lahat ng 7 miyembro ng frat ay nagplano at aktwal na lumahok sa nasabing hazing.

Ang biktima na si Salilig ay nakaranas umano ng 70 paddles.

Ayon sa medico-legal report mula sa Philippine National Police, namatay si Salilig dahil sa matinding blunt force trauma sa kanyang lower extremities.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa din ang mga malalimang imbestigasyon ng mga awtoridad upang managot at may sala sa pagkamatay ni John Matthew Salilig.