-- Advertisements --

Magsasampa ng kasong murder at frustrated murder ang kampo ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) kaugnay sa pagpatay kay dating board secretary ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Wesley Barayuga.

Ayon sa NBI Organized at Transnational Crimes Division (OTCD), na siyang nag iimbestiga ng kaso, kabilang sa mga isinampang kaso ang mga personalidad na may kaugnayan sa ambush noong taong 2020.

Kung saan kabilang sa mga respondents sa reklamo si dating PCSO general manager Royina Garma, former National Police Commission commissioner Edilberto Leonardo, police officials Jeremy Causapin, Santie Mendoza at Nelson Mariano.

Matatandaan nagudyok ang kaso matapos magbigay ng testimonya sa Quadcom si Mendoza tungkol sa insidente noong Hulyo 30, 2020, kung saan napatay si Barayuga sa isang ambush malapit sa tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong.

Sa kaniyang testimonya, inakusahan ni Santie Mendoza sina Royina Garma at Edilberto Leonardo bilang mga diumano’y utak sa pagpapatay kay Wesley barayuga na agad naming itinanggi nina Garma at Leonardo ang paratang.