Nangako ang National Bureau of Investigation (NBI) na magiging mabusisi ang gagawing pagsisiyasat sa mga isyu ng anomalya sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ayon kay NBI Dir. Dante Gierran, may mga hawak na silang impormasyon at kinakailangan na lang ng angkop na pag-validate sa mga ito.
Sa pagtaya ni Gierran, tatagal ang imbestigasyon hanggang sa Disyembre ng taong ito.
Katwiran ng NBI chief, mahalagang masuri ang bawat anggulo ng mga isyu ng korapsyon dahil maaaring masakop nito ang mga isyu kahit sa mga nakalipas na pamunuan ng naturang tanggapan.
Ang imbestigasyon ay base sa direktiba ni DoJ Sec. Menardo Guevara, makaraang ipatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gaming operations na kinabibilangan ng Lotto, STL, Keno at Sweepstakes.