-- Advertisements --
Menardo Guevarra

Maari na raw simulan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon kaugnay ng mga ibinunyag ni Joemel Peter Advincula alyas Bikoy.

Kasunod pa rin ito ng pagsumite ng affidavit at mga ebidensiys ni Peter Advincula sa PNP.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, humingi na rin siya sa PNP ng kopya ng nasabing mga dokumento.

Dagdag ni Guevarra sa pagsusumite ni alyad Bikoy ng affidavit, maaari na aniya nilang tanggapin ang aplikasyon ni Bikoy sa witness protection program (WPP) ng Department of Justice (DoJ) at kanila itong pag-aaralan.

Sa ngayon, si Bikoy ay nasa protective custody ng PNP.

Maalalang unang ibinunyag ni Advincula ang umano’y koneksiyon ng pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa illegal drug trade pero agad kumambiyo at idinawit si Sen. Antonio Trillanes IV at Liberal Party (LP) na siyang nasa likod ng serye ng Bikoy videos.

Mariin naman itong itinanggi ng partido liberal at ni Sen. Trillanes.