Sumasailalim ngayon sa informal investigation si NBI-Region 11 Director Archie Albao na nakatanggap umano ng suhil mula sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na itinatag ni Pastor Apollo Quiboloy.
Ito ang ibinunyag ni NBI Director Jaime Santiago sa isang press conference ngayong Martes.
Pero paliwanag ni Dir. Santiago, hindi pa pormal ang isinasagawang imbestigasyon at mayroon pa rin siyng tiwala kay RD Alabo.
Matatandaan na sa isang panayam sa Vlogcaster Armand Dean Youtube page na Arlene Stone, sinabi ng dating pastoral worker ng KOJC na tumatanggap umano noon ng suhol si Albao mula sa naturang sekta.
Sinabi din nito na mayroong ugnayan si Albao kay pastor quiboloy at kay dating PRRD bagamat itinalaga ni PBBM si Albao.
Isiniwalat din nito ng naturang page na staged raid umano ang nangyari noong Agosto 9 sa compound ng KOJC, bagay na pinabulaanan naman ng NBI Director at nilinaw na hindi raid ang kanilang ginawa kundi isinilbi nila ang warrant.