TUGUEGARAO CITY- Umaasa si Atty. Gelacio Bongngat, Director ng National Bureau of Investigation o NBI Region 2 na mareresolba ang umano’y katiwalian sa PHILHEALTH sa pamumuno ni dating NBI Director Dante Gierran na itinalaga ngayong bagong President at CEO ng nasabing ahensiya.
Naniniwala si Bongngat na makakaya ito ni Gierran dahil sa kanyang track record na galit sa korupsyon.
Ito rin aniya ang nakikita niyang dahilan kaya napili ni Pangulong Rodrigo Duterte si Gierran na mamuno sa PHILHEALTH.
Kasabay nito, sinabi ni Bongngat na isang malaking karangalan na ang pinuno ngayon ng PHILHEALTH ay mula sa NBI.
Samantala, sinabi Bongngat na sa ngayon ay hinihintay na lamang nila ang mga bagong direktiba sa kanila ng susunod na maging pinuno ng NBI kapalit ni Gierran.
Ito ay kasunod ng atas sa kanila ni Justice Secetary Mernardo Guevarra na bantayan at manmanan ang lahat ng kilos ng mga PHILHEALTH offices upang hindi magalaw ang mga posibleng ebidensiya sa umano’y anomalya.
Bukod dito, inatasan din sila na mabuting imbestigahan ang mga nasasangkot sa nasabing eskandalo.