-- Advertisements --
Pastor Joel Apolinario
Video Grab : Facebook Live

KORONADAL CITY – Nakatakda nang sampahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng patung-patong na kaso si Joel Apolinario at mga opisyal ng Kabus Padatuon Community Ministry International Inc. o KAPA.

Sa isinagawang press conference ng NBI sa harap ng media, ipinahayag ni Antonio Pagatpat, deputy director for Regional Operations Service na isang “criminal enterprise” at hindi isang religious sector ang KAPA.

Binigyang-diin ni Pagatpat na nagtatago lamang ang KAPA bilang isang religious organizations at lumabag ito sa batas lalong lalo na sa Securities Regulation Code.

Ipinahayag din nito na ang ginawang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara ang KAPA ay para din sa kapakanan at proteksyon ng mga Pilipino.

Kung hindi umano ito titigil sa iligal nitong operasyon, posibleng lumala pa ang sitwasyon ng bansa.

Samantala, inibunyag din ng NBI na nakatakna na silang magsagwa ng operasyon laban sa mga opisina ng KAPA sa Hunyo 20, 2019 ngunit napa-aga ito matapos ang mandato ng pangulo.

Sa ngayon, desidido ang NBI na sampahan ng kasong large scale estafa at syndicated estafa si Apolinario at mga kasamahan nito.