-- Advertisements --
KAPA KABUS OFFICES GENSAN AND SARANGANI 2
KAPA office in GenSan and Sarangani (file photo)

CEBU CITY – Muling nagbabala ang National Bureau of Investigation (NBI) sa publiko na alagaan ang perang pinaghirapan laban sa mga nagsusulputang investment scam.

Ito ay matapos na magsagawa ng inter-agency search warrant operation sa opisina ng Kabus Padatuon (KAPA) Ministry International, Inc., sa bayan ng Compostela, Cebu.

Sinabi ni Bienvenido Panikan, ang Special Investigator IV ng NBI, na dapat umanong bantayan ng publiko ang mga investment scam gaya ng KAPA upang hindi masayang ang perang ini-invest nila.

Dagdag pa ni Panikan na hinihintay pa nila ang kopya ng freeze order mula sa Court of Appeals (CA) laban sa KAPA.

Samantala, nilinaw din ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang mandato nito na bantayan ang mga investment scheme na nagsilabasan umano sa merkado.

Ayon kay Atty. Darwin Sotto ng SEC na dapat feasible ang isang uri ng investment scheme dahil hindi naman umano nagtatagal ang mga scam na nagbigay ng hindi kapani-paniwalang pangako sa publiko.