Ipinag-utos ni National Bureau of Investigation (NBI) Officer-in-Charge Director Medardo De Lemos ang pagbuo ng isang special team ng investigators para imbestigahan ang mga ulat ng umano’y pang-aabuso sa Philippine High School for the Arts (PHSA) sa Los Baños, Laguna.
Ayon kay De Lemos na ang paglikha ng naturang special team ay mula sa request ni VP at Education Secretary Sara Duterte na humiling sa NBI na tumulong sa pag-iimbestiga sa alegasyon ng emotional, verbal at sexual abuse sa naturang paaralan.
Nangako naman si De Lemos na kanilang iimbestigahan agad ang naturang insidente.
Ayon sa NBI OIC Director inatasan na nito si NBI Deputy Director for Investigation Vicente De Guzman III para bumuo ng special team para magimbestiga at para magsumite ng report sa loob ng pitong araw
Liban pa sa NBI, sinimulan na rin ng DepEd ang sarili nitong imbestigasyon sa pakikipagtulungan ng Child Protection Unit (CPU) at Child Rights in Education Desk (CREDe) para siyasatin ang naturang reports may kinalaman sa DepEd’s Child Protection Policy.
Una rito, sinabi ng DepEd sa isang ststement na mariin nitong kinokondena ang anumang uri ng pang-aabuso at tiniyak na sa ilalim ng panunungkulan ni VP at DepEd Secretary Sara Duterte na ipagpapatuloy ng kagawaran ang pag-promote ng isang healthy at ligtas na environment para sa mga mag-aaral at mga guro.