-- Advertisements --

Nagsimula na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa kanilang imbestigasyon kaugnay sa kaso ng 17-anyos na Grade 11 student na Kian Delos Santos na pinatay ng mga pulis Caloocan sa isinagawang Oplan Galugad.

Ayon kay Mr. Zaldy Delos Santos, ama ni Kian na kagabi may nagtungo na sa kanila na mga imbestigador mula sa NBI kung saan kinausap sila.

Pagkatapos pinuntahan ang crime scene kung saan pinatay ang binatilyong nagmamakaawa na huwag siyang patayin dahil may exam pa siya kinabukasan.

Maging ang mga indibidwal na nakatira malapit sa crime scene ay kinausap na rin ng mga imbestigasyon.

Pero ang mga testigo ay hindi pa nakakausap ng mga NBI investigators.

Una rito, pinaiimbestigahan na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkamatay ng 17-anyos na si Kian.