Sinimulan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon kaugnay sa reports maling death certificates ng ilang indibidwal na napatay dahil sa war on drugs.
May ilan kasi na nakalagay sa death certificates na namatay ang mga ito sa natural na dahilan subalit sa resulta ng autopsy lumalabas na ilan sa kanila ay maaaring namatay sa marahas na paraan dahil sa nakitang gunshot wounds.
Ayon kay Department of Justice Jesus crispin Remulla na ang mga labi ng siyam na tao ay na-autopsy na sa tulong ng forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun, chairperson ng University of the Philippines (UP) Manila Department of Pathology at ni Fr. Flavie Villanueva na nagpapatakbo ng isang support group para sa mga biktima sa drug war noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Saad ni Remulla na ang otopsiya ay hiniling ng mga pamilya ng mga namatay kung kayat isinagawa ang paghuhukay sa mga bangkay.
Ipinunto din ng Justice chief na ang pagtugis sa mga lumabag sa batas at hindi nila ito kukunsintihin.
Nauna rito, pinagbigyan ng Court of Appeals ang plea ng isang ama na ang menor de edad na anak nito ay namatay sa operasyon ng ilegal na droga dahil hangad nito na mabigyan ng hustisiya at maitama ang death certificate ng kanyang anak.
Sinabi ng ama sa korte na namatay ang kanyang anak sa insidente ng pamamaril sa Caloocan City noong Disyembre 2016 sa operasyon ng iligal na droga ngunit nakasaad sa death certificate na “bronchopneumonia” ang sanhi ng kamatayan ng kaniyang anak subalit ito ay tinanggihan ng korte.