-- Advertisements --

Hindi pa rin naaalis kay NCAA coach Mike Magpayo na maging basketball coach sa Pilipinas.

Ito ay matapos na mapili siya na maging coach ng University of California, Riverside ntiong buwan.
Pinalitan niya si David Patrick bilang coach.

Sinabi nito na pangarap niya talagang maging coach ng anumang basketball team sa bansa.

Isa sa hinahangaan nyang coach sa ngayon ay si dating Gilas Pilipinas coach Chot Reyes.

Bago naging coach ang 40-anyos na si Magpayo ay naging defensive coordinator ito ng UC Riverside.

Siya rin ang nagtaguyod ng Asian Coaches Association.