-- Advertisements --

Nais na mapag-aralan ng mabuti, at maayos ang mga depekto ng No Contact Apprehension Program (NCAP) bago muling ibalik sa Abril, ayon kay Deputy Speaker and Batangas Rep. Ralph G. Recto.

Ito ay para umano mas maprotektahan ang mga motorista dahil kahit lifted na raw ang roadblocks hindi muna dapat ipagpatuloy ang NCAP hanggang sa maayos ang kahinaan ng nasabing programa.

“Mainam siguro kung iutos ng Malacanang ang isang pag-aaral na ang layunin ay bumalangkas ng isang national policy guidelines sa programang ito. Crowdsource the ideas, canvass the best practices, and cure it of its weaknesses”, ayon kay Deputy Speaker and Batangas Rep. Ralph G. Recto.

Dagdag pa niya, kapag natapos at buo na ito ay maaari nang ipatupad sa ilalim ng legislation, kahit na ipadaan sa pamamagitan ng Executive Order ng pangulo.

Layunin ng programang ito na magkaroon ng iisang tuntunin pag dating sa pagsunod sa batas trapiko at maiwasan ang violations.

“Katiting at segundo na stepping on the pedestrian lane lang ba, libo-libo na ang multa base sa isang snapshot ng pangyayari?” dagdag pa ni Rep. Recto.

Samantala, sang ayon naman raw siya na malaki ang tulong ng mga CCTV sa pagsasaayos ng traffic enforcement at upang mapatupad ang mga rules.