-- Advertisements --
Hinikayat ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) ang mga hindi Muslims na maging sensitibo sa katulad nila na nagsasagawa ng fasting ngayong pagsisimula ng Ramadan.
Sinab ini NCMF National Capital Region Cultural Affairs Chief Esmael Abdul na isang hamon sa kanila ang mag-abstain sa pagkain at inumin kapag nakakakita sila ng ibang tao na umiinom at kumakain malapit sa kanila.
Dagdag pa nito na kung maaari ay lumayo muna o hindi ipakita sa mga nagpa-fasting para maiwasan silang matukso.
Magugunitang nagsimula na ngayong araw Marso 12 ang isang buwan na Ramadan matapos na hindi nakita ang buwan nitiong Linggo sa isinagawang moon sighting ng Bangsamoro Darul-Ifta’ .