-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Patuloy sa pamamahagi ang pamahalaang panlalawigan ng Cotabato ng cash allowances para sa mga barangay workers ng mga bayan sa unang distrito ng Cotabato.

Tumanggap ng ayuda ang mga Barangay Health Workers (BHW), Barangay Nutrition Scholar (BNS), Day Care Workers (DCW) at Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) ng Pigcawayan at Libungan.

Sa Pigcawayan, nasa P1,782,800 ang kabuuang halaga ng naipamahaging honorarium at COVID-19 assistance sa 1,116 barangay workers rito.

Samantala, sa Libungan, 420 barangay workers ang nakatanggap nito.

Tatanggap ang mga BHW at BNS ng P4,200 bawat isa, tig-P3,000 sa mga DCW at P1,000 bawat isa sa mga miyembro ng BPAT.

Bahagi nito ng pasasalamat ng provincial goverment sa mga barangay workers na nagsasakripisyo at inilalagay sa alanganin ang kanilang kalusugan para sa kapakanan ng kanilang mga kababayan.