-- Advertisements --

Mayroong kabuuang 21 lugar sa bansa ang nasa Tropical Cyclone Wind Signal number 1 dahil sa bagyong Pepito.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakita ang sentro ng bagyo sa may 305 km. Silangan ng Virac, Catanduanes.

May lakas ito na 55 kilometer per hour at pagbugso ng hanggang 70 kph.

Nakataas sa signal number 1 ang mga sumusunod na lugar: Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bulacan, Pampanga, Bataan, Metro Manila, Rizal, northern portion ng Quezon kabilang angGeneral Nakar, Infanta, Real at Polillo Islands, extreme northern portion ng Camarines Norte ang Vinzons at Catanduanes.

Makakaranas ng pabugsong pag-ulan nabanggit na lugar sa loob ng 36 na oras.

Inaasahan na sa araw pa ng Huwebes bago tuluyang makalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang nasabing bagyo.