Mananatili pa rin sa Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR) at 47 mga lugar.
Ayon kay Presidential Communications Secretary at acting presidential spokesperson Martin Andanar, na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na panatilihin sa nasabing alert status ang NCR at 47 na mga lugar simula Marso 16 hanggang 31.
Kinabibilangan ito ng Abra, Apayao, Baguio City and Kalinga sa Cordillera Administrative Region (CAR); Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan sa Region 1 ; Batanes, Cagayan, Santiago City, Isabela at Quirino sa Region 2; Angeles City, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Tarlac at Zambales sa Region 3 ; Batangas, Cavite, Laguna at Lucena City sa Region 4A; Marinduque, Puerto Princesa City at Romblon Region 4-B; Naga City at Catanduanes sa Region 5.
Sa Visayas naman ay :Aklan, Bacolod City, Capiz, Guimaras at Iloilo City sa Region 6 ; Cebu City at Siquijor sa Region 7; Biliran, Ormoc City at Tacloban City sa Region 8.
Habang sa Mindanao area ay binububo ng Zamboanga City sa Region 9, Cagayan de Oro City at Camiguin sa Region 10; Davao City sa Region 11 at Butuan City sa CARAGA.
Ang mga natitirang bahagi naman ng bansa ay mananatili sa Alert Level 2.