-- Advertisements --
Pinalawig pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang general community quarantine sa Metro Manila at ilang mga lugar.
Simula Enero 1-31, 2021 ay nasa GCQ ang National Capital Region, Isabela, Santiago City, Batangas, Iloilo, Tacloban City, Lanao del Sur, Iligan City, Davao City at Davao del Norte.
Ang natitirang bahagi ng bansa ay nasa ilalim naman ng modified General Community Quarantine.
Pinakiusapan ng pangulo ang mga mamamayan na manatili na lamang sila sa kanilang mga bahay kung hindi naman mahalaga pupuntahan sa labas.