Pormal nang inilagay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa general community quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR) simula Hunyo 1.
Sa kaniyang national address nitong Huwebes ng gabi, kasama sa magiging GCQ ay ang Davao, Albay, Region 2, 3, 4A at probinsiya ng Pangasinan habang ang natitirang bahagi ng bansa ay ilalagay sa modified general community quarantine (MGCQ).
Dagdag pa nito, ang nasabing paglalagay sa GCQ ay base na rin daw sa masusing pagsasaliksik.
Napapaloob sa GCQ ang pagbubukas ng ilang mga negosyo kung saan ilang porsyento ng mga manggagawa ay babalik na sa kanilang mga trabaho basta ipapatupad pa rin ang health protocols gaya ng social distancing at pagsusuot ng mga face masks.
Mananatiling sarado pa rin ang mga leisure businesses gaya ng sinehan, gyms at fitness studios ganon din ang mga travel agencies.
Magiging limitado rin ang mga sektor ng public transportation gaya ng road, rail, maritime at aviation.
Bahagyang papayagin din ang mga religious activities subalit limitado lamang hanggang sa 10 katao.
Papayagan naman ang mga outdoor non-contact sports at ibang uri ng ehersisyo gaya ng walking, jogging, running, biking, golf, swimming, tennis, badminton, equestrian at skateboarding ay papayagan basta magsuot lamang ng face mask at panatilihin ang social distancing ganon din ang pagbabawal sa paghihiram ng mga kagamitan.
Mas maraming magbubukas na negosyo sa ilalim ng modified GCQ subalit limitado lamang sa 50% ang mga lugar o seating capacity nito.
Kinabibilangan ito ng mga concerts, movie screenings, sporting events at religious gathering habang ang mga barbershops at ilang mga personal care service establishments ay bubuksan sa ilang mga kondisyon na ipapatupad.
Ilang mga establisyemento gaya ng gyms/ fitness studios, travel agencies, tour operations ay papayagan basta mayroon lamang 50% na capacity ang ipapatupad.