-- Advertisements --
tubig

Nakakaranas umano ng “absolute clean water scarcity” National Capital Region (NCR) at ang dalawa nitong kalapit na rehiyon, ang Central Luzon atCalabarzon.

Ito, ayon kay dating Metropolitan Waterworks and Sewerage System administrator Ramon “Dondi” Alikpala, ay kung ibabatay sa standards ng United Nations.

Ayon kay Alikpala, ang NCR, region3, at Region 4A ay nakakaranas ng ‘highest level’ ng kakulangan ng malinis na tubig.

Inihalimbawa nito ang mga sumusunod na standards ng UN:

Ang 500 cubic meters ng malinis na tubig na alokasyon para sa isang indibidwal kada taon ay matatawag nang ‘absolute scarcity’, habang ang 1,000 cubic meters kada tao bawat taon ay matatawag na ‘scarcity’

Ang minimum standards para rito aniya ay ang hanggang 1,700 cubic meters kada tao bawat taon.

Sa kasalukuyan aniya, patuoy na bumababa ang volume ng tubig sa Metro Manila, kasama na sa mga kalapit na rehiyon, na dahil kung bakit nararanasan ang ‘absolute water scarcity’

Maaallaang noong 2020 ay inilabas ang Annual Poverty Survey 2020, kung saan 54.1% lamang ng mga pamilya sa Pilipinas ang mayroong water connections.

Nangangahulughan ito na maraming pamulya ang gumagamit ng communcal faucet at iba pang paraan ng pinagkukuhanan ng tubig.