-- Advertisements --
Mananatili sa general community quarantine (GCQ) ang National Capital Region at ilang karatig na lugar ng lungsod.
Sa ginawang national address ni Pangulong Duterte nitong Lunes ng gabi, kasamang mananatali sa GCQ ang Batangas, Tacloban, Iloilo, Bacolod at Iligan.
Inilagay naman sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Lanao del Sur kasama na ang Marawi City.
Ang ilang mga natitirang bahagi ng bansa ay nasa modified general community quarantine.
Magiging epektibo mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 30.