-- Advertisements --

Isasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, magsisimula ang ECQ sa Lunes, Marso 29 hanggang Abril 4.

Roque March 21 Sunday

Ayon kay Sec. Roque, tumataas kasi ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Iiral ang curfew mula alas 6:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga.

Pinapayuhan naman ni Sec. Roque ang publiko na huwag mag-panic buying dahil mananatiling bukas ang mga supermarket at mga palengke.

Itinaon umano ang ECQ sa panahon ng Semana Santa.

Umaasa ang Palasyo na minimal lamang ang epekto ng ECQ sa ekonomiya dahil wala namang pasok sa Huwebes Santo at Biyernes Santo.