Bumulusok pa sa 0.46 ang reproduction number ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa National Capital Region (NCR).
Mas mababa ito sa naitalang reproduction rate na 0.47 noong Huwebes at mas mababa rin sa 0.59 noong nakaraang linggo.
Ang reproduction rate ay tumutukoy sa bilang ng mga taong puwedeng hawaan ng isang COVID-19 positve patient.
Kapag ang reproduction number ay mas mababa sa 1, ibig sabihin ay bumabagal na ang transmission ng virus.
Ayon din sa pinakahuling monitoring report ng OCTA, ang seven-day average sa rehiyon ay bumaba na rin ng 1,044 mula sa dating 1,824 na naitala noong nakaraang linggo.
Sa ngayon ang positivity rate naman ay nananatili sa 8 percent.
Patuloy din umanong bumababa ang Healthcare utilization (HCUR) sa COVID-19 na 40 percent mula naman sa 47 percent noong nakaraang linggo.
Base sa chart ng OCTA ang San Juan (13.58), Taguig (11.68) at Mandaluyong (11.46) ang nakapagtala ng pinakamatas na average daily attack rate (ADAR).