-- Advertisements --
Nagkasundo ang 17 alkalde ng National Capital Region na ipatupad ang curfew mula alas-8 ng gabi hanggang ala-singko ng umaga.
Kasabay ito sa pagsisimula ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR ngayong Abril 12 hanggang Abril 30.
Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na napagkasunduan din nila na hindi kasama ang mga authorized persons outside residence (APOR) sa nasabing curfew.
Magugunitang base sa bagong panuntunan ng Inter-Agency Task Force na may kapangyarihan ang mga local government units na mag-ajust ng mga curfew hours sa NCR.