-- Advertisements --

Naka-Code white alert ang mga ospital sa Metro Manila para sa taunang kapiyestahan ng Itim na Poong Hesus Nazareno sa sunod na Huwebes, Enero 9.

Sa ilalim ng Code white alert, ang mga ospital ay nakahanda para sa pagresponde sa emergencies sa anumang oras partikular na ang mga concerned hospital personnel gaya ng doktor, nurses, surgeons at iba pa.

Sa isang press conference, sinabi ni DOH Health Emergency Management Bureau chief Dr. Irvin Miranda, maliban sa NCR, inilagay rin sa Code White ang mga ospital sa Central Luzon at CALABARZON.

Mayroon ding 20 hospital health emergency response teams mula sa mga ospital ng DOH.

Taun-taon nga ay kabahagi na ang medical teams na idinedeploy dahil sa inaasahang milyun-milyong mga deboto na dadagsa sa Quirino Grandstand at Quiapo church para sa Traslacion.