-- Advertisements --

Ilalagay na ng National Capital Region Police Office sa red alert status ang buong rehiyon sa Disyembre 16 o ang pagsisimula ng siyam na araw na tradisyunal na Simbang Gabi.

Sinabi ni NCRPO chief Police Major Gen. Jose Melencio Nartatez, na bawat simbahan ay may mga nakatalagang kapulisan para magbantay sa mga nagsisimba.

Ang nasabing hakbang ay kasunod ng nangyaring pambobomba sa Mindanao State University na ikinasawi ng apat na katao.

Wala aniya silang intensiyon na takutin ang mga tao sa paglagay ng red alert status dahil ito ay normal lamang sa kapulisan tuwing mayroong mga malalking okasyon.

Nasa 75 percent ng mga kapulisan ang lalabas para magbigay ng seguridad sa iba’t-ibang lugar sa bansa.