-- Advertisements --

Mananatili pa rin ng hanggang Disyembre 31, 2020 sa General Community Quarantine (GCQ) ang National Capital Region, Batangas, Iloilo City, Tacloban City, Lanao del Sur, Iligan at Davao City.

Habang ang natitirang bahagi ng bansa ay mananatili sa modified GCQ.

Duterte address IATF 1

Sa ginawang national address ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang mga miyembro ng IATF sa Malacanang, ang nasabing bagong quarantine classifications ay base na rin sa rekomendasyon ng mga Metro Manila mayors na panatilihin sa GCQ ang NCR para hindi na kumalat pa ang kaso ng COVID-19.

Patuloy din ang paanyaya ng Pangulo sa mga mamamayan sa regular na paghugas ng kamay, pagsuot ng face mask at ang pag-iwas na magtungo sa mga matataong lugar para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Ang classification sa Metro Manila na manatili sa GCQ ay batay na rin sa rekomendasyon ng ilang mga eksperto at mayors bunsod na rin ng pangamba na maaaring magkaroon ng surge ng COVID cases dahil sa inaasahang kabi-kabilang mga selebrasyon.