-- Advertisements --

Epektibo alas-12:00 kaninang madaling araw ay isinailalim na sa full-alert status ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang Metro Manila bilang paghahanda sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes.

Sinabi ni NCRPO Director Maj. Gen. Guillermo Eleazar, para siguruhin ang peace and order at seguridad ng mga Pinoy sa Lunes ay idineploy na ng PNP ang nasa 14,000 na pulis.

Naka-standby na rin umano ang 28,000 na miyembro ng NCRPO at handa silang maipadala bilang augmentation kung saan sila kailangan.

Nasa 9,162 namang pulis ang ipakakalat malapit sa Batasang Pambansa at sa mga lugar na magsasagawa ng kilos-protesta ang pro at anti-Duterte rallyists.

Samantala, magpapalakas sa deployment ng pulis ang pwersa mula sa Joint Task Force-National Capital Region (JTF-NCR).