Inilatag ng independent na OCTA research group ang malaking pagbabago sa laban sa COVID-19 sa Metro Manila kumpara noong nakalipas na tayo.
Sa datos na pag-analisa ni Dr. Guido David, fellow ng OCTA Research group, sinabi nito na makalipas daw ang isang taon, nasa 38 percent na ngayon ang sumailalim sa COVID-19 tests.
Noong November 1 hanggang November 7 ng nakalipas na taon nasa 501 ang average new cases sa kada araw, habang ngayon ay nasa 400 na lamang.
Ang reproduction number naman ay 0.78 noon pero ngayon ay bumaba na lamang sa 0.37.
Ang tinatawag namang daily attack rate o nahahawa mula sa 100,000 popolasyon na 3.63, ngayon naman daw ay bumaba pa sa 2.86.
Kung dati raw ang active cases ay nasa halos 11,000 ang rurok ng dami, ngayon naman sa kaparehong petsa ay nasa mahigit 6,000.
Tinukoy din ng OCTA research group ang mga pagbabago sa pagbaba rin sa positivity rate, nagagamit na hospital at ICU beds at sa vaccination percentage na noong nakaraang taon ay wala pa pero ngayon nasa 62 percent na sa NCR.