Umaasa si Metropolitan Manila Development Authority chairperson Benhur Abalos na malapit nang mailagay sa Alert Level 2 ang National Capital Region (NCR).
Sinabi ni Abalos na nakita na ang pagbaba sa occupancy rate ng mga ICU, ward, at isolation bed, gayundin ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa NCR.
Dagdag pa nito na posibleng maabot ng Metro Manila ang target na 92% na nabakunahang populasyon sa susunod na buwan.
Gayunpaman, sinabi ni Abalos na ang Metro Manila ay may 7.4% daily attack rate, ngunit ang requirement percentage para mailagay sa Alert Level 2 ay 7%, na nangangahulugan na ang rehiyon ay hindi pa nakuha ng 0.4%.
Napag-alaman na sa Nobyembre 15 ang simula ng extension ng operating hours ng mga malls sa NCR.
Aalisin na ang curfew hours sa NCR simula bukas.
Gayunman, nauna nang sinabi ni Abalos na ilang local government units ang magpapatupad pa rin ng curfew para sa mga menor de edad.
Kung maalala, ang Alert Level 3 na ipinatupad sa Metro Manila, ay pinalawig mula Nobyembre 1 hanggang 14.