-- Advertisements --
KALIBO, Aklan — Nangunguna ang National Capital Region (NCR) sa may pinakamataas na tourist arrivals sa isla ng Boracay sa unang dalawang buwan ng Nobyembre.
Ito ay ayon sa Department of Tourism kung saan naitala ang NCR na may 1,154 o 71.6% ng kabuuang arrivals na 1,611 simula Nobyembre 1 hanggang 17 ng kasalukuyang taon.
Sinundan ito ng mga taga-Aklan na may 406 na arrivals o 25% ng kabuuan.
Ang Boracay ay nagbukas sa mga domestic tourists kasama ang taga-Metro Manila noong Oktubre 1.
Sa kasalukuyan ay required pa rin sa mga non-Aklanon tourist ang negatibong resulta ng RT-PCR test, dalawa hanggang tatlong araw bago ang pagbiyahe.