Ibinunyag ng isang alkalde na handa na ang Metro Manila Mayors sa pagpapatupad ng granular lockdown lockdown sa National Capital Region (NCR) kung hindi pinalawig ang kasalukuyang modified enhanced community quarantine (MECQ).
Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora, noong Sabado pa nagpulong ang Metro Manila Council para pag-usapan ang pagpapatupad ng granular lockdown.
Aniya, kung natuloy ngayong araw ang General Community Quarantine (CGQ) at granular lockdown ay all set na raw ang mga local government units (LGUs) na magpatupad nito.
Sakaling ilagay sa granular lockdown ang NCR ay nasa Alert Level 4 classification daw ang NCR.
Ang alert level 4 ay ang pinakamataas na alert sa binuong granular lockdown at ang alert level 1 naman ang pinakamaluwag.
Pero sakaling matapos ang MECQ status sa Setyembre 16, handa raw ang Metro Manila Mayors na ipatupad na ito sa National Capital Region (NCR).
Kung maalala, kahapon ay binawi ang anunsiyong pagsasailalim sana sa NCR sa GCQ at mananatili ito sa MECQ hanggang Setyembre 16.