-- Advertisements --
Patuloy ang pagpapaalala ng mga alkalde sa National Capital Region (NCR) sa pagpapatupad ng unified curfew hours ngayong araw, Mayo 1.
Nagkasundo kasi noong nakaraang mga araw ang mga alkalde ng NCR na paiigsihin ang curfew na gagawin ito ngayon ng alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga.
Isa aniyang paraan ito ng Metro Manila mayors para mas lalong mapagbigyan ang mga manggagawa.
Ilang pagbabago rin ang ipinatupad ng ibang lugar gaya sa San Juan City na simula ngayon araw ay tatanggalin ang liquor ban.
Subalit sinabi ni San Juan City Mayor Francis Zamora na pagbabawalan pa rin nila ang pag-inom ng mga nakakalasing na inumin sa mga pampublikong lugar sa San Juan.