Nagkasundo ang mga alkalde sa Metro Manila sa kanilang pagpupulong na sabay-sabay ang gagawing nilang pamamagitan .
Naghahanda na aniya ang mga vaccinators ng lahat ng local government unit ng Metro Manila.
Bukod pa dito ay nakahanda na rin ang mga lugar kung saan isasagawa ang nasabing programa.
Bawat LGU ay mayroong 30% sa kanilang populasyon ang kanilang babakunahan na prayoridad ang mga frontline workers, mga may edad at mga ‘yung nasa vulnerable sector.
Ang nasabing hakbang ayon kay Olivarez ay para maging pantay-pantay at walang mauunang mga LGU sa kanilang vaccination program.
Nauna ng binanggit ni vaccine czar Carlito Galvez na sisimulan ng bansa ang COVID-19 vaccination sa susunod na buwan at magiging prayodad dito ang Metro Manila at Calabarzon areas dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.