-- Advertisements --
Muling nasungkit ng National Capital Region ang titulo sa katatapos lamang na Palarong Pambansa 2023 sa Marikina City.
Mayroong kabuuang 85 ginto, 74 pilak, at 55 tansong medalya ang NCR team.
Pumapangalawa sa overall ang Region VI Western Visayas na may kabuuang 60 gold, 45 silver, at 44 bronze medals, habang ang Region IV-A CALABARZON ay may tig-52 gold at silver medals, at 57 bronze medals para sa ikatlong pwesto.
Gaganapin naman sa susunod na taon ang Palarong Pambansa sa Cebu City, habang ang Ilocos Norte ang magho-host ng 2025 edition ng national tournament.