-- Advertisements --

Napanatili ng National Capital Region (NCR) ang kanilang pagiging champion sa katatapos na Palarong Pambansa 2024.

Sa final medal tally, nakakuha ang NCR ng 238 medalya sa lahat ng sinalihang events.

Nasa 98 dito ay gold medals, 66 ay silver at 74 naman ang bronze.

Kasunod ng NCR ang Region IV-A o Calabarzon na may 57 golds, 41 silver at 53 bronze.

Ang kabuuan ng kanilang medalya ay 161.

Humabol naman ang Region VI o Western Visayas na may 56 golds, 41 silver at 41 bronze.

At ang total ng kanilang medalya ay 138.

Nasa pang-apat ang Davao Region at pang-lima naman ang host region na Central Visayas.

Sa closing ceremony ay personal na dumalo si Vice President at outgoing Education Sec. Sara Duterte at nagbigay pa ng kaniyang talumpati at game na naki-selfie sa ilang nasa venue.