-- Advertisements --
Umaasa si Metro Manila Council chairperson Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na maibabalik sa general community quarantine (GCQ) status ang National Capital Region (NCR) sa oras na magpatuloy ang pagbaba ng COVID-19 cases na naitatala kada araw.
Sa isang panayam, sinabi ni Olivarez na epektibo ang pagpapatupad ng modified ECQ sa Metro Manila.
Sa Parañaque City lang ay bumaba na ang bilang ng active COVID-19 cases mula 876 noong Agosto 4 sa 651 na lang noong Agosto 12, ilang araw matapos na ipatupad ang MECQ sa rehiyon.
Noong Lunes lang, sinabi ni Defense chief Delfin Lorenzana, na siyang chairman ng National Task Force on COVID-19, na maaring ibalik sa GCQ ang Metro Manila pagkalipas ng Agosto 18.