-- Advertisements --

Pasok na ngayon sa low risk classification ang National Capital Region pagdating sa COVID-19, ayon sa OCTA Research group.

Pero nilinaw ng grupo sa kanilang latest report na ang kanilang findings na ito ay hindi naglalarawan sa official possitions naman ng mga affiliated institutions tulad ng Department of Health (DOH), IATF, at ng local government units.

Magugunita na noong Lunes, sinabi ng DOH na ang Pilipinas ay kasalukuyang kinukonsidera nang low risk sa COVID-19.

Ayon sa OCTA, ang positivity rate sa NCR ay bumaba sa 6 percent habang ang average daily attack rate naman ay bumaba rin sa less than 7 sa kada 100,000 indibidwal.

Ang seven-day average sa rehiyon ay bumaba rin sa 901 mula sa dating 1,405.

Samantala, ang healthcare utilization rate naman ay bumaba sa 35 percent habang ang intensive care unit occupancy rate ay naitala sa 46 percent.

Ayon sa OCTA, ang Mandaluyong, San Juan, at Valenzuela lamang ang nananatili sa ngayon na nasa moderate risk sa COVID-19 sa NCR dahil ang kanilang ADAR ay mas mataas pa sa 10.

Ang Valenzuela ang may pinakamataas na ADAR na pumapalo sa 11.15, na sinundan ng San Juan na may 10.57, at panghuli ang Mandaluyong na may 10.50.