Tinuturing na ng OCTA Research Group na nasa high risk ang buong National Capital Region (NCR).
Ito ay makaraang mas tumaas pa ang bilang ng positivity rate sa rehiyon.
Sa inilabas na datos ni OCTA research fellow Dr. Guido David, mula sa 21% ay umakyat na sa 28.03% ang positivity rate sa Metro Manila.
Batay sa projection, mananatiling nasa 2,500 hanggang 3,000 ang bilang ng mga posibleng maging bagong kaso ng COVID-19 sa NCR.
Habang tinatayang aabot naman sa 3,500 hanggang 4,000 ang inaasahang magiging bagong kaso ng nito sa buong Pilipinas.
Samantala, umaasa naman ang grupo na ang pagtataas ng Alert Level 3 sa Metro Manila ay makakatulong upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Una rito ay nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng 3,617 na mga karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan ay nasa 468 ang naitalang mga gumaling at nasa 43 naman ang mga napaulat na nasawi.