-- Advertisements --

Mayroong limang lugar sa National Capital Region (NCR) ang nasa ‘low risk’ ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA research, binubuo ito ng Caloocan, Pateros, Navotas, Taguig at Marikina.

Habang ang natitirang lugar sa NCR ay nananatiling nasa moderate risk.

Dagdag pa ni David na ang average daily attack rate (ADAR) sa nasabing mga lugar ay bumaba ng 9.6 percents.

Inihalimbawa nito ang ADAR sa Marikina na mayroong 9.20, sa Taguig naman ay mayroong 8.71, Navotas ay mayroong 7.76, Pateros ay mayroong 7.23 at Caloocan naman ay mayroong 4.07 percent.

Patuloy na rin aniya nag pagbaba ng reproduction numbers at healthcare utilization rate (HCUR).