Muling umakyat sa moderate risk sa COVID-19 ang buong National Capital Region (NCR) ayon sa OCTA Research Group.
Batay sa pinakahuling datos, mula December 23 hanggang December 29 ay pumalo sa 1.47 ang reproduction number ng rehiyon na maituturing na nasa critical level at mas mataas kumpara sa 0.51 na bilang nito noong nakaraan.
Bukod dito ay nakapagtala din ang Department of Health (DOH) ng 572 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa buong NCR, mas mataas ng 229% sa unang naitalang mga kaso noong nakaraang araw.
Anila, mula 79 ay tumaas sa 215 mula noong December 23 hanggang December 29 ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa loob ng seven-day average ng rehiyon.
Samantala, nanatili namang mababa ang incidence o average daily attack rate (ADAR) na nasa 1.52 mula 0.56.
Kinokonsiderang mababa pa rin positivity rate na bahagyang tumaas sa 3.86% mula sa 0.69% na naitala noong nakaraang linggo.
Bahagya mang tumaas sa 19% ay nananatili pa rin na nasa very low level ang hospital utilization rate na dating nasa 18% lamang.
Nakitaan din ng pagtaas ang bilang ng mga okupadong mga hospital beds na nasa 8% kumapara noong nakaraang linggo, habang nasa 12% naman ang itinaas ng ICU occupancy.
Bumaba naman sa 14,119 ang bilang ng mga RT-PCR tests na naisagawa kumapara sa 17,595 na naitala noong nakaraang linggo.
Sa kabuuan ay nakapagtala ng nasa 889 na mga bagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas dahilan para umabot na sa 2,8398,790 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng nakamamatay na virus sa buong bansa.