-- Advertisements --

Nasa very low risk na ng COVID-19 ang National Capital Region (NCR) matapos na 105 lamang ang naitalang bagong kaso ng coronavirus kada araw sa rehiyon mula Dec. 1 hanggang Dec. 7 na patungo sa pagkakaroon ng magandang pagdiriwang ng holiday season ngayong taon.

Ayon sa Octa research group fellow Dr. Guido David, kabilang sa nasa very low risk ang Malabon, Navotas, Caloocan , Pateros, Valenzuela, Marikina, Manila, Paranaque, Pasay, Las Pinas at Mandaluyong habang ang nalalabing mga lungsod naman ay nasa low risk na.

Ang incidence rate o average daliy attack rate sa NCR ay nasa less than 1 o 0.74 sa kasa 100,000 population.

Sa reproduction number o bilang ng nahahawaan ng COVID-19 ay very low na nasa 0.34 habang ang COVID-19 test positivity rate ay nasa 1.1%.

Sa kasalukuyan nasa minimal risk case classification naman ng COVID-19 ang bansa na may negative 2 week growth rate na nasa -57% at nasa low rsik na rin ang average daily attack rate sa bansa na ansa 0.67 cases sa bawat 100,000 indibidwal.