-- Advertisements --

Matapos ang dalawang linggong pagbalik sa enhanced community quarantine (ECQ) sa ilang lugar sa bansa, ibinaba na muli ng pamahalaan sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang NCR (National Capital Region) at apat na karatig probinsya.

Sa anunsyo ni Presidential spokesperson Harry Roque ngayong Linggo ng hapon, epektibo ang MECQ sa tinaguriang NCR Plus simula Lunes, Abril 12, hanggang sa katapusan Abril 30.

Sakop ng NCR “Plus” ang Cavite, Bulacan, Laguna at Rizal.

Nasa kaparehong quarantine classification din ang Santiago City, Isabela, Quirino province at Abra.

Samantala, bukas na umano tatalakayin ng Palasyo ang malinaw na kaibahan ng MECQ sa GCQ (general community quarantine).

Una nang kinumpirma mismo ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na naka-admit siya sa isang pagamutan dahil sa Coronavirus Disease, patunay na mas nakakahawa na ang nasabing sakit kaya kinakailangan ang mas ibayong pag-iingat.

MECQ for April 2021
Magandang linggo ng hapon Pilipinas.
Inaprubahan po ngayong araw ng ating Presidente ang rekomendasyon ng inyong AITF na ilagay ang mga lugar na ito sa corresponding na community quarantine.
Under modified enhanced community quarantine ang Metro Manila kasama ang Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite. Under MECQ din po ang city of Santiago, Quirino at ang Abra.
Mapapasailam naman po sa general community quarantine ang CAR, Region 2 ang Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, sa Region 4A ang probinsya ng Batangas; sa Region 8, Tacloban City; sa Region 10, Iligan City; sa Region 11, ang Davao City; sa BARMM, Lanao del Sur, at ang Quezon mula April 12 to 30.
Ang lahat po ng parte ng Pilipinas na hindi nabanggit ay mapapasailalim sa MGCQ.
Now, inaprubahan din po ng inyong IATF ang rekomendasyon ng National Economic Development Authority na gamitin ang autmatic contract tracing sa pamamagitan ng Smart Messaging System.Mapapalakas at m-improve nito ang paggamit ng staysafe.ph. Para matiyak ang interoperatbility at integration ng lahat ng contact tracing applications integration ng staysafe.ph magkakaroon ng initial beta-testing kasama ang proposed messaging ng smart messaging system sa Pasig City sa a-uno ng Mayo 2021 at beta-testing consortium ng Antipolo at mga lungsod ng Pasig, Mandaluyong, Valenzuela sa a-uno rin gn Mayo 2021 with access to Covid-19 document repository system o CDRS.
Inadopt din ng IATF ang rekomendasyon para sa immediate completion ng paglilipat ng pagmamay-ari or transfer of onwership sa Department of Health ng CDRS at imemdiate ingeration ng CDRS sa staysafe.ph system at iba pang local contact tracing systems and applications.
Ang Department of Interior and Local Government ang inatasan na maging oevrall lead sa implementasyon. Samantala ang Department of Information and Communication Technology ang mangunguna sa national interoperabilty at ang DOH ay inatasan na tiyakain ang integration of Staysafe.ph sa CDRS.
Ang DILG ay tinalaga na bumuo ng action plan na may specific timelines and targets kasama ang DICT at DOH.
Kasama rin sa naratipakahan kahapon sa IATF ay ang panukala na iendorso ng Department of Tourism na magtayo ng temporary public walk-in at drive-thru vaccination centers na nasa bakanteng lote ng Nayong Pilipino property sa Parañaque City.
Dahil sa direktiba ng Pangulo sa PhilHealth na magbayad sa mga hospital na merong mga unpaid Covid-19 claims, marami sa ating mga private, national government at LGU-hosptials ang nagcommitt na dadagdagan ang mga Covid-19 beds lalo na ang mga IC beds sa NCR Plus. Ito ang isa sa mga naging kritical na basehan ng IATF para mag rekomenda na mag luwag ng kaunti at gawing MECQ ang klasipikasyon sa NCR Plus.
Ang mga commitment mula sa mga pribadong at pampublikong ospital, ito ay 104 hospitals sa NCR Plus as of 11 am, april 11, 2021 ay ang mga sumusunod: additional 164 critical ICU beds at 1,157 Covid-19 regular beds for moderate and severe.
Ang iba pang dagdag na capcity na handa na ay mga sumusunod:
-110 beds sa Quezon Institute para sa moderate and sever Covid-19
-960 beds sa National Center for Mental Health para sa moderate Covid-19
-330 beds sa Manila Times College sa Subic para sa mild and asymptomatic
-165 beds sa New Clark City Tarlac para sa mild and asymptomatic
-200 beds, Eva Macapagal Terminal in Maynila, mild and asymptomatic; and
-100 beds sa Orion Bataan Pork Terminal para sa mild and symptomatic
Eto naman po ang sumatotal na nadagdag na healthcare capacity habang tayo ay nasa ECQ: Covid ICU beds, 164; Covid regular beds for moderate and severe, 2,227; and Covid isolation beds, 765 (mild and asymptomatic). Ang sumatotal po ay 3,156 beds in NCR Plus.
Makikita ninyo sa table ang utilization rate kasama na ang mga bagong kama. Makikita niyo po sa Covid ICU beds, ang ating utilization rate ngayon ay 74.34 percent; anga ting Covid ward beds ay 46.04 percent; at ang covid isolation beds ay 59.56 (percent).
Ang naaprubahan nga pala po ng ating presidnete na rekomendasyon gn IATF na MECQ sa NCR Plus ay magtatanggal katapusan na po ng Abril.
Yan lang po sa ngayon at bukas po sa ating regular briefing, paguusapan natin muli ang pagkakaiba ng ECQ at ang MECQ. Magandang hapon po sa lahat at enjoy your Sunday.