Mas pinalakas pa ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kanilang 24-hour hotline.
Ayon kay NCRPO chief BGen. Vicente Danao, nais niya na magkaroon ng “free-flow” of communication na siyang mahalaga sa pag resolba sa krimen at mapigilan ang anumang mga unlawful activities.
Maaari din isumbong at ireklamo ang mga pulis na gumagawa ng iligal na aktibidad at abusado.
Binigyang-diin ng heneral, na ang kanilang 24-hour complaint hotline ay nakahanda tumanggap ng mga reklamo muka sa mga Metro Manila residents via 0915-888-81-81 para sa Globe at 0999-901-81-81 para naman sa Smart subscribers at maging sa social media accounts ng NCRPO.
“This is going to be their direct hotline in airing out their issues and concerns. I also welcome reports involving personnel within our ranks who continuously defy orders, laws, rules and regulations,” wika ni BGen. Danao.
Siniguro naman ni Danao na lahat ng impormasyon na ire report sa kanilang hotline ay strictly confidential.
Aniya, kung gusto ng complainants na ibunyag ang kaniyang identity ay wala din naman itong problema.
“I encourage everyone to help us out in resolving crimes and preventing unlawful activities to restore and maintain peace and order in our community. Do not hesitate to report to us the information and we guarantee that your concern shall be immediately addressed,” dagdag pa ni Danao.
Pagtiyak naman nito na ang lahat na mga mensahe na kanilang matatanggap ay agad na aaksiyunan at iimbestigahan.