-- Advertisements --
Traslacion 3
Traslacion

Kinasuhan na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang nasa 59 deboto na lumabag sa mga ordinansa sa kasagsagan ng Traslacion nitong Enero 9.

Ayon kay NCRPO chief BGen. Debold Sinas, nasa 79 violators ang kanilang naaresto subalit 59 lamang ang sinampahan ng kaso.

Sinabi ng heneral, ang nasabing mga deboto ay hindi tumalima sa ipinatupad na security measures ng PNP lalo na ang mga ipinagbabawal sa prusisyon.

Hindi kasama sa mga kinasuhan ang mga nangbato ng bote ng mineral water sa isang PNP personnel.

Dagdag pa ni Sinas, nasa proseso pa sila sa paghahanap kung sinong mga deboto ang sumira sa mobile patrol ng NCRPO para isama sa mga kakasuhan.

Samantala, nagpahayag naman ng pagkabahala ang PNP Press Corps sa nangyaring kay Veneracion.

Ayon kay PNP Press Corps president Aaron Recuenco, nauuwanaaan naman ng grupo ang pagod at tensyon subalit ang ginawa ni Bathan ay hindi dapat ginagawa ng isang kagawad ng pulisya lalo na ng isang heneral.

Gayunman, nagpapasalamat ang press corps sa ginawang paghingi ng paumanhin ni Bathan na kumikilala lamang sa kaniyang pagkakamali at kababaang loob na aminin ito.